Pagbuhay sa death penalty ‘50-50’ pa sa Senado – Zubiri

Pagbuhay sa death penalty ‘50-50’ pa sa Senado – Zubiri

MANILA — Para kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, 50-50 ang tsansa na makalulusot sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang isinusulong ng ilang senador na buhayin ang parusang bitay.

“Kung magkaroon ng botohan, I think 50-50 yung chance pero hindi natin haharangan ito. Kung gusto nila pagdebatihan ito, pwede naman,” wika ni Zubiri sa isang panayam sa radyo.

Muling nabuhay ang pagnanais na ibalik ang death penalty kasunod ng pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony sa Paniqui, Tarlac.

Ang mag-ina ay nailibing na kahapon, Linggo, bandang alas-10 ng umaga.

Ngunit sinabi ni Zubiri na mas mabuting ayusin muna ang justice system ng bansa bago ibalik ang bitay.

“Napakadelikado rin yung mahatulan ng kamatayan na mali. Kasi dito sa criminal justice system natin, yan ang problema, napakaraming problema pa,” wika ni Zubiri.

Aniya, kabilang sa problema sa sistema ng katarungan ay katiwaliwan at maling hatol.

“Kapag patay na kayo, hindi na kayo pwedeng buhayin ulit. Dapat siguro natin ayusin yung ating criminal justice system muna,” dugtong pa ni Zubiri. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply