2020 PNP Year-ender: 3 PNP chiefs vs COVID-19

2020 PNP Year-ender: 3 PNP chiefs vs COVID-19

Ni Arwen Pascua

MANILA – Noong Disyembre 30, sa ika-124 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal, inihalintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayani rin ang mga frontliner na sumagupa sa COVID-19.

Hindi ito tumutukoy sa health worker lamang kundi sa lahat nang may ginampanan para mapigil ang paglawak ng kaso ng coronavirus disease sa bansa na sa huling araw ng Disyembre 2020 ay umabot na sa 474,064 habang sumampa na rin sa 9,244 ang bilang ng mga nasawi.

Malaking dagok sa buong mundo ang lethal pandemic at sa Filipinas ay kumahog ang mga opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte para harapin ang problemang hindi lang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya at seguridad.

Isa ang Philippine National Police sa naging sandigan ni Pangulong Duterte at ng health authorities para pahupain ang bagsik ng epekto ng COVID-19.

Ang mga pulis ay kabilang din sa frontliner, kaya sila rin ang tinutukoy ng Punong Ehekutibo na bayani.

TATLONG PNP CHIEFS SA 2020

Noong Enero 19, 2020 ay itinalaga ni Pangulong Duterte ang noo’y OIC at PNP Chief for Administration na si General Archie Gamboa at sa panahong iyon ay nagsisimula na ring manasala ang COVID-19 sa China, Estados Unidos, sa Europa at sa Japan nang dumaong doon ang barkong may lulang pasahero na infected ng nasabing virus.

Marso 14 nang ideklara ang community quarantine sa Metro Manila habang Marso 15, sa taong din iyon ay ibaba na ang enhanced community quarantine na sinundan na ng buong kapuluan.

Tumigil ang pangunahing operasyon ng PNP subalit nag-pokus sa pagpapatupad ng mahigpit na galaw at itatag ang JTF Covid Shield na pinamunuan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar at ang Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force sa pamumuno naman ng dating number 2 in command at PNP Deputy Chief for Administration na Gen. Camilo Pancratius Cascolan na kinalaunan ay naging PNP chief din.

Magkaiba ang ginampanan ng ASCOTF at JTF Covid Shield.

Mas malawak ang ASCOTF na inisiyatibo ni Cascolan dahil ito ang nangasiwa sa deployment ng mga frontliner cop at sa Medical Corps, logistics, pagtatayo ng quarantine facilities para sa pulisya at naging susi ng pagtatayo ng unang RT-PCR test center sa Camp Crame.

Ang ASCOTF, kung saan sa ilalim nito ang PNP Health Service ang nagmando rin sa mga quarantine facilities sa labas gaya sa PICC at MOA Swabbing Center sa Pasay City, Ultra sa Pasig City.

Ang ASCOTF sa pamumuno noon ni Cascolan din ang nagpatupad ng mahigpit na Camp rules para labanan ang COVID-19 contagion sa hanay ng pulisya gaya ng mahigpit na obserbasyon sa social distancing, disinfection sa mga papasok at lalabas sa mga kampo kasama na ang foot bath at tire bath sa mga sasakyan, pagsuot ng face mask, face shield at skeletal work sa mga personnel.

Kabilang din ang pagtatayo ng quarantine facilities sa loob ng Camp Crame at iba’t ibang Police Regional Offices, pagpapatupad ng no face-to-face transactions at temporary conversion ng Heritage Park bilang Central Processing Assistance Area.

Habang ang JTF Covid Shield ay nangasiwa sa operasyon ng mga checkpoint o pagpigil sa galaw ng mga tao at mahigpit na lockdown.

Ang JTVFCS ay operasyon sa labas at nagbibigay ng regulasyon sa movement ng publiko.

CASCOLAN, IKALAWANG PNP CHIEF SA TAONG 2020

Kung kay Gamboa ay pasimula ang pagdami ng kaso ng COVID-19 at naka-lockdown ang halos buong bansa dahil sa ECQ noon, bahagyang lumuwag ang galaw sa pag-upo naman ni Cascolan bilang ika-24 PNP chief.

Dahil mayroon nang RT-PCR Laboratory na mabilis na ang detection ng mga infected cop at kasabay ng paglaban sa coronavirus ay sabayang ipinatupad ni Cascolan ang tunay na mandato ng pulisya.

Operasyon sa criminal lalo na sa mga sangkot sa droga, paglaban sa terorismo, pagsasaayos sa organisasyon, pagpapataas ng kalidad ng serbisyo publiko at hindi nakaligtaan na itaas ang morale ng mahigit 200,000 tauhan ng PNP.

Isa sa legacy ni Cascolan ay isaayos ang Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) at tukuyin kung ano ba talaga ang ginagampanan ng yunit na ito na counterpart ng AFP’s 5 command, Wesmincon, Eastmincom, Southern Luzon, Northern Luzon at Visayas.

SINAS IKATLONG PNP CHIEF NG TAON

Nobyembre 10, 2020 ay umupo bilang ika-25th PNP chief si General Debold Sinas at kung sa panahon ng mag-mistah sa PMA Class 1986 na sina Gamboa at Cascolan, ramdam ang higpit sa galaw ng tao dahil sa kuwarantina, medyo “magaan” na ang galawan sa Camp Crame.

Sa unang flag raising ceremony ni Sinas noong Nobyembre 16, 2020, mayroon na sanang formation subalit naudlot at noong sumunod na linggo na lamang nagkaroon, gayunman, dahil unang flag raising mayroong intermission ng NCRPO band kung saan ang tugtog ay ang paboritong awitin na theme sa Voltes V.

Sinabi ni Sinas na mismong ang Pangulong Duterte ang nag-utos na ibalik na sa normal ang lahat ng operasyon sa PNP.

Kaya kahit naitatala ang assembly sa harap ng national headquarters ay mas pinahigpit naman ni Sinas ang health protocols gayundin ang disiplina sa kaniyang mga tauhan.

Masigasig din ang ika-25 PNP chief sa paglaban sa COVID-19 at katunayan ay ang regular swabbing test sa media na kaniyang makahaharap at mismong sa mga pulis.

Habang ang Kiangan Quarantine Facility ay converted na rin bilang Treatment Facility. (AI/MTVN)

Leave a Reply