PH COVID-19 UPDATE: DOH nagrehistro ng mahigit 8K na gumaling, 1,906 na mga bagong kaso naitala

PH COVID-19 UPDATE: DOH nagrehistro ng mahigit 8K na gumaling, 1,906 na mga bagong kaso naitala

Ulat ni Amado Inigo

MANILA — Nitong Linggo, 10 Enero 2021, nakapagrehistro ang Department of Health ng mahigit 8,000 na mga gumaling sa coronavirus habang nakapagtala diumano ang ahensiya ng 1,906 na karagdagang kaso ng COVID-19. 

Ang eksaktong bilang ng mga gumaling ay 8,592.

Ito’y nagdala sa overall tally ng recoveries ng bansa sa 458,198 habang ang mga bagong kaso na 1,906 ay nagtulak sa cummulative total ng mga Covid-19 infections sa bansa sa 487,690.

Sa likod ng malaking bilang ng mga gumaling ay walo (8) naman ang naitalang pumanaw.

Sa kabuuan, ang bilang na ngayon ng mga namatay magmula ang outbreak ng Covid-19 noong Marso ay nasa 9,405 na ngayon.

Sa mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (20,087) ang aktibong kaso, 94.0% (458,198) na ang gumaling, at 1.93% (9,405) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Sa buong mundo mayroon nang 89,603,838 na naging kaso ng coronavirus. Nasa 1,926,228 naman na ang pumanaw. (AI/MTVN)

Leave a Reply