MANILA — Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa dalawang grupo ng isla ang tail-end ng frontal system na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas at ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Mindanao, ayon sa weather bureau ngayong Lunes.
Sa 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang northeast monsoon na nakakaapekto sa Luzon ay magdadala ng mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon.
Magdadala rin ito ng pag-ulan sa Metro Manila at sa kabuuan ng Luzon.
Sa pagtaya ng PAGASA, may katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa malakas na alon sa Luzon, Visayas sa katimugan at silangang bahagi ng Mindanao.
Ang kabuuan ng Mindanao ay magkakaroon naman ng mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon, ayon sa PAGASA. (AI/FC/MTVN)