Malaking bulto ng COVID-19 vaccine supply manggagaling sa Novavax — Galvez

Malaking bulto ng COVID-19 vaccine supply manggagaling sa Novavax — Galvez

MANILA—Manggagaling sa US drug maker na Novavax ang malaking bulto ng supply ng COVID-19 vaccines na gagamitin sa Pilipinas ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

“Our main volumes will be coming from Novavax with 30 to 40 million doses,” wika ni Galvez sa ginawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole ngayong Lunes.

Ang COVID-19 vaccine ng Novavax, na kilala bilang Covovax, ay gagawin ng Serum Institute of India (SII). Pumirma na si Galvez kamakailan ng term sheet sa SII para magbigay ng kanilang supply ng bakuna sa bansa.

“[For] Pfizer, we are negotiating for higher volumes more or less 40 million and Astrazeneca 25-30 million doses, and Sinovac and Gamaleya for 25 million each,” dagdag ni Galvez.

Ang rollout ng bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ay maaaring magsimula sa unang bahagi ng 2021, ngunit ang malaking bulto ng supply ay magiging available sa huling bahagi pa ng taon.

“It is expected that we can start our rollout this first quarter in February, with an early rollout possibly by the Covax vaccine either by Pfizer, AstraZeneca, J&J, or the Sinovac,” wika ni Galvez.

“We might be receiving more or less 40 million doses from Covax for 20-30 million people,” dagdag pa niya. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply