Mayor ng Libungan, Cotabato patay sa pamamaril

Mayor ng Libungan, Cotabato patay sa pamamaril

COTABATO CITY – Patay ang mayor ng Libungan, Cotabato at kanyang driver matapos pagbabarilin noong Lunes sa tinatayong sabungan malapit sa kanyang bahay sa Barangay Cabayuran.

Namatay si Mayor Christopher “Amping” Cuan, 46, at kanyang driver na si Edwin Navarro Ihao, 36, sa tinamong mga tama ng bala.

Iniispeksiyon ni Cuan ang itinatayong sabungan nang dumating ang apat na armadong lalaking sakay ng asul na SUV at pinaputukan ang alkalde at kanyang driver.

“Initial reports we received from the local police said they were tailed by the assailants then suddenly shot several times using different unidentified long firearms,” wika ni Police Lieutenant April Rose Soria, spokesperson ng Cotabato Provincial Police Office.

Si Cuan ay nakaligtas na rin sa tangkang asasinasyon noong Enero 8, 2019 sa loob ng bagong tayong munisipyo. Kasama siya sa narco-list na inilabas noon ni Pangulong Duterte.

Nanawagan naman ang Sangguniang Panlalawigan of Cotabato sa mabilis at masusing imbestigasyon sa kaso.

“I condemn to the strongest term the killing of Mayor Cuan. His demise has not orphaned not only his family but his constituents who looked up to him for his leadership,” wika ni Cotabato Vice Governor Emmylou Taliño-Mendoza. (AI/ FC/MTVN)

Leave a Reply