Mga reklamo sa MVIS ng mga motorista bigyan kasagutan! Bago sana ang negosyo, ayusin muna ang sistema!

Mga reklamo sa MVIS ng mga motorista bigyan kasagutan! Bago sana ang negosyo, ayusin muna ang sistema!

Photo courtesy of Philkotse.com

Re-inspection fee dapat suspendihin din muna.

Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers.  At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.  Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ganito ang kanilang karanasan:

“Good morning Atty Inton. Bago na po ang I.T. Provider ng LTO ngayon, DERMALOG na po, pero ginagamit pa rin po nila yung dati nilang I.T. Provider na Stradcom dahil inaayos pa ng Dermalog ang kanilang connection. Ang PMVIC po connected na dapat sa Dermalog. 

Ang ginagamit naman ng PETC ay Stradcom. Nang magstart po ang PMVIC especially sa Angeles City last November, hindi po sila naka online sa LTO kaya ang ginawa ng LTO-Angeles kahit na may PMVIC-result na ang sasakyan, pina-patest pa nila sa PETC, sa kadahilanan po na hindi nila mairerehistro ang sasakyan dahil wala sa system nila ang result pag ang gagamitin nila ay Dermalog. Hindi naman po nila magamit ang Stradcom dahil PETC po ang naka-connect dun. 

Hanggang ngayon po problema yan, lalo na sa LTO Mabalacat, Mabiga, Cabanatuan. Kaya last Jan. 4, nag issue ng memo ang LTO na gagamitin na muna nila ang PETC ITF ng Stradcom.  Regarding naman po sa inspection fee, ang light vehicles po, P1800 and P900 for motorcycles.  May re-inspection fee po na less 50% kung makakabalik ka within 5 days, that was last December. Pero ngayon po parang sinuspend nila yan.”

Kung ganito pa kagulo ang sistema marahil ay dapat muna i-extend ang waiver ng re-inspection fee dahil sa MVIS operator naman ito mapupunta.  Bago sana ang negosyo nila ay aayusin muna ang sistema para sa kapakanan ng mga motorista.

(AI/MTVN)

Leave a Reply