MANILA – Sa 2023 pa maaaring bumalik sa normal ang lahat sa Piipinas kahit pa magsisimula na sa unang bahagi ng 2021 ang pagbabakuna laban sa COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Galvez na ang malaking bulto ng bakuna ay darating pa huling bahagi ng taon.
“Following the guidance of the President, the vision of the Philippine vaccine roadmap is to save more lives, recover our economy and restore the normalcy in the lives of the Filipino people by 2023 through a sustainable immunization program,” nakasaad sa powerpoint presentation ni Galvez.
“Our ultimate goal here is to protect the public and reduce mortality rates due to the pandemic,” wika ni Galvez.
Una nang sinabi ni Galvez na target ng bansa na makapagbakuna ng 50 hanggang 70 milyong Pilipino laban sa COVID-19 ngayong taon.
Naglaan na ang pamahalaan ng P73.2 bilyon para pambili ng kailangang bakuna habang bibili naman ang pribadong sektor ng anim na milyong dose ng ng bakuna mula sa AstraZeneca, kalahati rito ay ido-donate sa gobyerno. (FC/MTVN)