Sinas pinalawak ang random drug testing sa PNP

Sinas pinalawak ang random drug testing sa PNP

MANILA – Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang pagpapalawak sa surprise drug testing sa lahat ng tauhan sa ilalim ng internal cleansing program nito.

Ginawa ni Sinas ang direktiba matapos magpositibo sa shabu ang isang pulis na nakatalaga sa Caraga (Region 13) sa isang random drug testing sa Butuan City noong nakaraang linggo.

“I have ordered to expand random drug testing to all police personnel to rid the organization of drug-using cops. There is no place in the PNP for them,” wika ni Sinas sa isang pahayag.

Inutusan din ni Sinas si Brig. Gen. Romeo Caramat Jr, director ng Police Regional Police 13 (PRO-13), na madaliin ang pre-charge investigation at pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban kay Cpl. John Rey Ibasco, na nakatalaga sa Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRDD-13).

Nang malaman ang resulta, agad pinadisarmahan ni Caramat si Ibasco at isinailalim sa restrictive custody upang matiyak ang kanyang pagdalo sa mga gagawing imbestigasyon.

Nasa 564 pulis na ang nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

“Ang pinaka importante talaga dapat disiplinado ang pulis at alam niya ang trabaho. Kung disiplinado ang trabaho, mababawasan, mawawala po ang pang-aabuso,” wika ni Sinas. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply