MANILA – Dismayado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalaya sa siyam na pinatalsik na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pagpatay sa apat na Army intelligence operatives sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29, 2020.
“The AFP Chief-of-Staff General Gilbert Gapay is extremely disappointed with the release from custody of nine members (of) the PNP who are respondents to the murder of four Army Intelligence personnel who were on an anti-terrorism mission when they were gunned down in downtown Jolo,” wika ni AFP spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo.
Bago rito, sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ibinigay nila ang kustodiya sa siyam na dating pulis sa kanilang pamilya at abogado dahil hindi pa sila nakakakuha ng arrest warrant mula sa hukuman.
Ipinaliwanag pa ni Sinas na napilitan silang pakawalan ang siyam dahil ayaw nilang makasuhan ng arbitrary detention dahil wala na sa serbisyo ang mga ito.
“It is only unfortunate that despite the (Department of Justice) DOJ’s filing online of a multiple murder case before the Regional Trial Court in Jolo last 04 January 2021, no warrants of arrest have been issued by the court,” ani Arevalo.
Sa kabila nito, tiniyak ni Arevalo sa mga pamilya ng apat na pinatay na sundalo na patuloy ang koordinasyon ng AFP sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para mailabas ang arrest warrant sa lalong madaling panahon.
“Once issued, we will help in the immediate and unimpeded service of said warrants to the named police personnel,” dagdag pa ni Arevalo.
Noong nakaraang linggo, nakakita ng probable cause ang DOH para kasuhan ng apat na count ng murder at pagtatanim ng ebidensiya sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat. Rajiv Putalan.
Wala ring inirekomendang piyansa para sa kanilang paglaya
Napatay ng siyam sina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38, at Cpl. Abdal Asula, 33. (FC/MTVN)