Drug pusher arestado habang kasama nakatakas sa Cainta buy-bust ops

Drug pusher arestado habang kasama nakatakas sa Cainta buy-bust ops

MANILA — Kalaboso ang isang babaeng hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na maaresto habang nakatakas naman ang kasamahan nito sa isinagawang drug buy-bust operation sa 55 Del Pilar St. Brgy. Sta. Rosa, Cainta Rizal kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Grace Delos Santos y Lacñeta habang nakatakas naman ang kasamahan nitong si Clark Delos Santos De Asis.

Batay sa imbestigasyon ng Cainta Rizal PNP,nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCapt. Juan Carlo Porciuncula sa naturang lugar kung saan naaresto ang suspek na si Grace Delos Santos habang nakatakas naman ang kasamahan nito na dumaan sa likod ng kanilang bahay.

Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong papel na may lamang pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana, at marijuanang nakatanim sa plastic na paso, isang pirasong cellphone, 1 pirasong coin purse, 1 pirasong P200 peso bill na ginamit bilang mark money at iba pang narekober na pera na nagkakahalaga ng P500.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek. (RAMBO LABAY/AI/MTVN)

Leave a Reply