Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo sa 491,258

Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo sa 491,258

Ulat ni F. Cecilio

MANILA — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,524 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Martes, 12 January 2021.

Bunsod nito, nasa 491,258 na ang bilang ng kabuuang kaso ng nasabing virus sa bansa.

May nadagdag namang 44 bagong recoveries kaya umakyat ang talaan ng mga gumaling sa virus sa 458,172.

Umakyat naman ang death toll sa 9,554 dahil sa pagpanaw ng 139 katao

Sa ngayon, nasa 23,532 pa ang bilang ng aktibong kaso sa bansa na nasa iba’t ibang pagamutan at pasilidad sa bansa.

Samantala, umakyat na sa 91,339,544 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buog mundo.

Sa huling tala, nasa 65,349,477 na ang gumaling mula sa sakit habang 1,953,419 naman ang pumanaw.

Nasa 24,036,648 naman ang aktibong kaso, kung saan 23,927,858 o 99.5 porsiyento ang nasa mild condition habang 108,790 o 0.5 porsiyento naman ang kritikal o malala.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa mundo na may 23,143,197 habang malayong pangalawa naman ang India na may 10,479,913. Ikatlo ang Brazil na may 8,133,833 na sinusundan ng Russia (3,425,269) at United Kingdom (3,118,518).

Pang-anim ang France (2,786,838) kasunod ang Turkey (2,336,476), Italy (2,289,021), Spain (2,111,782) at Germany (1,941,119). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply