Kongresista kay Roque: Taumbayan may karapatang maging ‘choosy’

Kongresista kay Roque: Taumbayan may karapatang maging ‘choosy’

MANILA – May karapatan ang publiko na maging “choosy” pagdating sa kanilang kalusugan.

Ito ang buwelta ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite kay presidential spokesman Harry Roque ukol sa pahayag nito na walang karapatang mamili ang taumbayan sa kung anong tatak ng libreng bakuna kontra COVID-19 ang ibibigay ng pamahalaan.

“Mr. Roque, if it is a matter of safety and effectivity, if it involves public money, then the people have the right to be ‘choosy.’ Trabaho niyo at pananagutan niyo sa publiko na siguruhin na ligtas at epektibo yang bakuna,” wika ni Gaite.

“Dapat lang sila maging ‘choosy’ para sa kaligtasan nila. Dapat lang sila maging ‘choosy’ dahil kalusugan naman nila ang nakataya,” dugtong pa niy.

Ayon kay Gaite, hindi puwedeng isantabi ng gobyerno ang pangamba ng publiko ukol sa kanilang kalusugan dahil trabaho nito na tiyaking ligtas at epektibo ang gagamiting bakuna.

“Sa sinabi niyang ito ay parang hindi kapakanan ng publiko ang primary concern nila. It seems they just want to get it over and done with, basta magawa lang, bahala na,” giit ni Gaite.

Una nang sinabi ng pamahalaan na nakasiguro na sila ng 25 milyong dose ng bakunang gawa ng Sinovac at nakapirma na sa term sheet para sa 30 milyong dose ng Covovax vaccine ng Novovax. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply