MANILA — Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan 170 kilometro ang layo sa timog-silangang bahagi ng General Santos City kaninang alas-3 ng madaling araw.
Ang nasabing LPA at tail-end ng frontal system ay makakaapekto sa Visayas habang ang northeast monsoon naman ay makakaapekto sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Central Visayas, Eastern Visayas, at Mindanao dahil sa tail-end of frontal system at LPA, na may posibleng flash flood o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Maulap na papawirin at mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas dahil sa northeast monsoon.
Bahagya hanggang sa maulap na papawirin at pag-ulan din ang mararanasan sa Metro Manila at sa kabuuan ng Luzon dahil sa northeast monsoon.
Katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang sa malakas na alon ang mararamdaman sa Luzon at Visayas. (AI/FC/MTVN)