‘Most wanted’ sa kasong rape ng Bulacan nadakip na!

‘Most wanted’ sa kasong rape ng Bulacan nadakip na!

BULACAN — Makalipas ang halos isang taon, nadakip na ng mga operatiba ng Bulacan pulis ang ‘most wanted’ ng lalawigan sa kasong rape sa Barangay Matimbubong, San Ildefonso, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Regional Director PBGEN Valeriano T De Leon, kinilala ang nadakip na si Noel Lambonicio Y Reyes na residente ng nabangit na bayan.

Dinakip si Lambonicio sa pamamagitan ng arrest warrant na ikinasa sa kasong paglabag sa Sec. 10 (a) ng R.A. 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 5789-M-2020, at paglabag sa Sec. 5(b) ng R.A. 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 5790-M-2020.

 At kasong rape na may cc.no.5791-M-2020  ay wala umanong bail ayon sa inisyu ni Branch 9 Regional Trial Court presiding judge Veronica A Vicente de Guzman.

Detenido na ngayon ang suspek sa San Ildefonso municipal jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte laban sa kanya.(Thony Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply