Nadine Lustre nagpaliwanag sa suot bikini habang umaakyat ng bundok

Nadine Lustre nagpaliwanag sa suot bikini habang umaakyat ng bundok

MANILA—NAGING usap-usapan ang larawan ni Nadine Nustre na nakasuot lang ng bikini habang umaakyat ng bundok.

Ang nasabi umanong larawan ay sa Twitter account daw niya nakita.

Pero, itinatanggi ng actress na meron siyang Twitter account.

Sey ni Nadine sa socmed: “I don’t have Twitter.”

“Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o ano ba.”

Very environmentalist ang actress kaya gustong-gusto niyang umaakyat ng bundok para makapagtanim ng mga puno roon dahil nakakalbo na ang ibang kabundukan sanhi ng pagkakaroon ng baha at landslide.

Post pa ni Nadine sa kanyang Instagram: “Fund a seed so we can reach our goal of 88,000 trees.”

May paliwanag din siya kung bakit naka-bikini siya nu’ng time na ‘yun.

Aniya: “Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins. Okey, ikaw kaya magsuot ng basang maong habang nagha-hike? (with smiling emoji).

Dagdag pa niya, “I can’t believe people really assumed that I hiked in a bikini. Balakayodyan, Babalik na ko sa ulap J”

Hindi kasi naipaliwanag ng actress ang kanyang suot kung bakit siya naka-bikini kaya espekulasyon ng netizens ay ‘yun talaga ang kanyang suot habang nagha-hike.

Pinutakti tuloy siya ng mga bashers.(AI/MTVN)

Leave a Reply