OCTA Research nagbabala ng matinding bugso ng COVID-19 sa NCR

OCTA Research nagbabala ng matinding bugso ng COVID-19 sa NCR

MANILA — Binalaan ng OCTA Research Team ang pamahalaan ukol sa posibilidad ng malaking bugso ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa mga susunod na linggo bunsod ng kabi-kabilang pagtitipon noong kapaskuhan.

Sa kanilang bagong report, sinabi ng OCTA Research na posibeng sanhi ng pagtaas ang ilang “superspreader” event gaya ng Pista ng Itim na Nazareno.

Aniya, maaaring nasa bansa na rin ang bagong uri ng coronavirus mula United Kingdom na makakadagdag pa sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nanawagan sila sa pamahalaan na paigtingin pa ang testing at contact tracing at palakasin ang kapasidad ng healthcare system para mapaghandaan ang posibleng outbreak.

Batay sa data mula sa Department of Health (DOH), sinabi ng research team na ang reproduction number ng virus, o ang average na bilang ng tao na posibleng mahawa ng isang tao na may COVID-19, ay umakyat na sa 1.13.

Ang huling pagkakataon na lumampas ang reproduction number sa 1 ay noong Disyembre 21 nang umabot ito sa 1.02. Kapag mataas sa 1, ibig sabihin ay kumakalat ag pandemya, ayon sa OCTA.

Nadagdagan din ang bilang ng bagong kaso sa NCR ng mahigit 400 kasunod ng muling pagbubukas ng testing centers pagkatapos ng kapasukhan.

“There is a clear upward trend now… and if this upward trend continues, the local governments will need to implement measures to reverse this direction before the pandemic gets out of hand,” sabi pa ng OCTA. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply