Palasyo nag-abogado sa COVID-19 vaccine ng Sinovac

Palasyo nag-abogado sa COVID-19 vaccine ng Sinovac

MANILA — Idinepensa ng Palasyo ang pagbili nito ng 25 milyong dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ng China.

Sa kanyang regular na press conference, nanindigan si Roque na ligtas at mabisa ang bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng China.

Ayon kay Roque, nakitang 91.25 porsiyentong epektibo ang naturang coronavirus vaccine sa late-stage clinical trial nito sa Turkey.

Idinagdag pa ni Roque na ang mga kalapit na bansa natin gaya ng Indonesia at Thailand ay pumirma na rin sa supply deals sa Sinovac.

“There’s nothing spectacular about Sinovac other than it’s been proven safe and efficient,” wika ni Roque.

“At maski kung tanungin ang mga eksperto, yung mga vaccinologist eh talagang inactivated po iyan ibig sabihin natural. Ito po ay pinahinang virus, which [are] the traditional vaccines that we have known for the past 300 years,” dagdag pa niya.

Umaasa rin si Roque na magdo-donate ang Tsina ng ilang dose ng bakuna dahil na rin sa magandang relasyon ng dalawang bansa. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply