MANILA — Inihayag ng aktor na si Patrick Garcia at asawa niyang si Nikka Martinez na magkakaroon na sila ng ikaapat na anak.
Ibinahagi ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang bagong vlog na may pamagat na “Another Blessing!”
“Yes, we are pregnant with Baby No. 4,” wika ni Martinez.
“Siguro sa lahat ng pregnancies niya parang feeling ko dito siya na-cha-challenge ngayon,” wika ni Garcia.
Kumpara sa nauna niyang pagbubuntis, inamin ni Nikka na ito ang pinamahirap dahil kakaiba ang nararanasn niyang nausea.
“So it’s better for us or for her to stay at home muna,” wika ni Patrick.
Ipinaalam na ng mag-asawa sa kanilang unang tatlong anak na malapit na silang magkroon ng bagong kapatid.
Ibinalita na rin ng mag-asawa sa kanya-kanyang mga magulang na malapit na sila uling magka-apo. (AI/FC/MTVN)