PH nagpatupad ng travel ban vs China, 4 pang bansa

PH nagpatupad ng travel ban vs China, 4 pang bansa

MANILA — Simula bukas, Enero 13, hindi na maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhang biyahero mula China at apat pang bansa bilang pag-iingat laban sa bagong strain ng coronavirus.

Ayon sa Malacanang, isinama din sa travel ban ang Pakistan, Jamaica, Luxembourg, and Oman.

Sa ngayon, may 30 bansa na ang saklaw ng travel ban na ipatutupad hanggang Enero 15.

Kasama rito ang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore at Sweden;

Pasok din dito ang South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States, Austria, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.

Maliban sa coronavirus strain na natuklasan sa United Kingdom, lima pang uri ng coronavirus ang binabantayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kabilang dito ang 501Y.V2 na natagpuan sa South Africa, 1701V ng Malaysia, P681H ng Nigeria, Cluster 5 ng Denmark at D614G ng China. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply