POC nais magkaroon ng opisyal na headquarters

POC nais magkaroon ng opisyal na headquarters

MANILA – Nais ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na magkaroon ng sariling gusali ang POC.

Ayon kay Tolentino, wala pang naging opisyal na headquarters ang POC mula nang itatag ito noong 1911.

Sa ngayon, nag-oopisina ang POC sa PhilSports Complex sa Pasig, kung saan kahati nila ang Department of Education.

Bago rito, nakabase ang POC sa Rizal Memorial Sports Complex kasama ang Philippine Sports Commission (PSC).

“We’re not informal settlers, pero nakikitira lang po kami,” pag-amin ni Tolentino. “‘Di ko po alam kung anong nangyari. Nakikitira lang po ang POC.”

Sa tingin ni Tolentino, maaaring ang Pilipinas lang ang walang opisyal na gusali ang Olympic association, kumpara sa ibang bansa sa Asya o sa buong mundo.

“In my term, sana ma-adhika naman natin na magkaroon ng permanent office building (ang POC). That’s one of my major dreams and agenda in my four-year term in the POC,” ani Tolentino.

Nais ni Tolentino na magkaroon ng building kung saan naroroon ang tanggapan ng POC, isang board room, at isang museum na maglalaman ng kasaysayan ng sports sa bansa. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply