QC LGU namahagi ng copiers sa module ng local na mag-aaral

QC LGU namahagi ng copiers sa module ng local na mag-aaral

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga local na mag-aaral ng Quzon City sa Learning Continuity Program ng Department of Education ngayong 2021, ang Quezon City government, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ay namahagi ng photo copier machines para sa lahat mga pampublikong paaralan ng lungsod.
Gagamitin sa module production diumano ang mga ito para sa mga mag-aaral.

Kasabay nito, namahagi din ang lungsod ng 8,791 WiFi Modem at SIM Cards ng Globe Telecom Inc. na may P1,000 monthly load allowance bilang suporta sa mga elementary school teachers. “Makatutulong ang mga ito sa patuloy na pagpapatupad ng distance learning sa ating lungsod pahayag,” ni Belmonte. (Art Son/AI/MTVN)

Leave a Reply