MANILA – Pinakawalan pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang siyam (9) na dating pulis na inakusahang pumatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu sa kabila ng kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na huwag muna silang palabasin hanggang lumabas ang arrest warrant mula sa korte,
“In the meantime, the 9 police officers were released from custody despite requests of the DOJ with the PNP to hold them awhile until the arrest warrants were issued,” sabi ni Justice Secretary sa mensahe nito sa mga reporter.
Umaasa si Guevarra na kusang susuko ang siyam kapag lumabas na ang arrest warrant mula sa korte para sa kasong multiple murder at pagtatanim ng ebidensiya.
“Otherwise, law enforcement agents will look for them and take them into custody,” ani Guevarra.
Bago rito, sinabi ni PNP General Debold Sinas na pinalaya nila ang mga suspect matapos maging opisyal ang pagkasibak nila sa serbisyo.
Paliwanag ni Sinas, mahaharap sila sa kasong arbitrary detention kung patuloy nilang idedetine ang mga dating kabaro nang walang arrest warrant.
Inutusan na ni Guevarra ang mga prosecutor na hilingin sa korte na mglbas ng hold departure order laban sa mga suspect upang hindi sila makalabas ng bansa. (AI/FC/MTVN)