MANILA — Arestado sa pamamagitan ng manhunt operations ang pitong (7) most wanted persons (MWPs) habang 20 naman na drug suspects ang nasakote sa buy-bust operations ng mga kapulisan ng Bulacan sa iba’t-ibang siyudad at bayan ng probinsya.
Sa report ni PNP Provincial Director P/Col Lawrence Cajipe, kinilala ang mga nadakip na wanted na sina Rodrigo Manahan ng Bgy. Taal, Pulilan sa kasong Section 5 (b) of RA 9262; Lorenz Jacinto ng Bgy. Borol 1st Balagtas, sa kasong paglabag sa Section 5 (b) ng RA 9262; Eric Diaz sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 ng Bgy Sampaloc, San Rafael;
Joel Caňar ng Bgy, Pandayan, Meycauayan City, na sangkot naman sa kasong paglabag sa Article 270 ng RPC (Kidnapping) at Section 5 (i) of RA 9262; Tito Baldoza ng Bgy. Bantog, San Miguel, sa kasong Unjust Vexation; at Gail Reyes ng Bgy Sto Cristo, CSJDM sa kasog Qualified Theft, Jerom Papa ng Bgy Iba, Meycauayan City, sa kasong Attempted Homicide.
Kinilala naman ang 20 drug-pushers at users na sina Roy Benedicto ng Bgy Lolomboy, Bocaue; Anthony Diaz III ng Bgy San Jose, Paombong; Juliemar Jebone Ferraren, Myrna Billudo ng Bgy Lambakin; Gerald Peleño ng Brgy. Lias, Marilao at 15 iba pa.
Nakumpiska sa kanila via buy bust ang 83 plastic sachets ng hinihinalang shabu, kabilang na ang assorted drug paraphernalia, isang cal .38 pistol na may serial number 633024.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa city at municipal jails sa iba’t-ibang himpilan ng probinsya. (Thony Arcenal/AI/MTVN)