Gov. Dan Fernando
MANILA — Pormal nang inilunsad ang aklat na may pamagat na “Isang Kasaysayang Bayan ng San Ildefonso” na iniakda ng historyador na si Dr. Jaime Veneracion.
Nabatid na bahagi ito ng pagpopondo ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga proyektong panturismo na itinataguyod ng mga State Universities and Colleges, lokal na tanggapang panturismo at mga rehistradong non-government organization na nagtataguyod ng turismo.
Si CHED Chairman Prospero ‘Popoy’ De Vera at Gob. Daniel R. Fernando ang nanguna sa naturang paglulunsad na isinagawa sa Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa Malolos City.
Sinabi ng tagapangulo nito na nagmula ang pondo sa travel tax na nakokolekta ng Tourism Infrastructure & Enterprise Zone Authority na inilaan sa CHED para sa publication project. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)
