Cainta LGU, DOH Treatment and Rehabilitation Center lumagda sa isang kasunduan

Cainta LGU, DOH Treatment and Rehabilitation Center lumagda sa isang kasunduan

MANILA — Naniniwala ang pamunuan ng Cainta Rizal Government na malaki ang maitutulong sa isang kasunduan na nilagdaan nina Cainta Rizal Mayor Kit Nieto at DOH Treatment and Rehabilitation Center Director Dr. Alfonso Villaroman upang makatulong na mabago ang kinabukasan ng mga kabataang gumagamit ng iligal na droga sa Cainta Rizal.

Ayon kay Mayor Nieto bukod sa mababago ang kinabukasan ng mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay malaking katipiran din sa Cainta LGU sa kanilang isinagawang paglagda ng isang kasunduan dahil sa mas mababa na ang babayaran mula umano sa P15K ay magiging P3K na lang ang babayaran sa DOH Treatment and Rehabilitation Center sa Bicutan.

Paliwanag ng alklade labis siyang nagpapasalamat dahil napabilang ang Cainta Rizal sa mga Lungsod sa Metro Manila ang lumagda sa naturang kasunduan.

Ibinida rin ni Nieto na noong taong 2019 ay nakapagpa-rehab na umano ang Cainta Rizal Government sa pamamagitan ng MADAC Cainta Rizal sa Mega Treatment Center sa Palayan City, Nueva Ecija at sa panahon noon ng pandemya nakaraang 2020 ay nakapagpa-rehab naman sa DOH-TRC Bicutan.

Dagdag pa ng alkalde malaking pakinabang aniya ang naturang kasunduang dahil ang Cainta LGU ay makapagdiskwento umano kung ipapa-rehab ang mga nahuhuling gumagamit ng iligal na droga na nais nang magbago sa kanilang buhay. (RAMBO LABAY/AI/MTVN)

Leave a Reply