Construction worker, garbage collector tiklo sa illegal drugs sa Mandaluyong

Construction worker, garbage collector tiklo sa illegal drugs sa Mandaluyong

MANILA — Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police Station ang isang garbare collector at isang construction worker matapos na mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Haig St. Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgar Potoli y Lacsina, 49 anyos construction worker at Joselito Teodones y Guansaon, 58 anyos garbage collector.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong PNP,nagsagawa ang mga operatiba ng Mandaluyong City Police Station Station Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation kung saan nakumpiska ang tatlong (3) pirasong plastic sachets na naglalamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 1.4 gramo na nagkakahalaga ng P9,520 at P300 buy bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek (nasa larawan). (RAMBO LABAY/AI/MTVN)

Leave a Reply