MANILA — Umakyat na sa 492,700 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,453 bagong kaso ngayong araw, Miyerkules, 13 January 2021.
Tumaas naman ang death toll sa 9,699 matapos may pumanaw na 146 katao dahil sa virus habang may 397 naman ang gumaling ngayong araw na nagdala sa bilang ng recoveries sa 458,523.
Nasa 24,478 naman ang bilang ng aktibong kaso.
Buong mundo

Sa buong mundo, mayroon nang naitalang 92,035,510 kaso ng COVID-19, kung saan 65,882,548 na ang gumaling habang 1,970,602 naman ang pumanaw.
Pagdating sa aktibong kaso, mayroon pang 24,182,360 katao ang may COVID-19, 99.5 porsiyento o 24,072,263 sa kanila ay nasa mild condition habaang 110,097 o 0.5 porsiyento ang kritikal .
Nangunguna pa rin sa talaan ang Estados Unidos na may 23,369,732 habang malayo sa ikalawang puwesto ang India na may 10,495,816, kasunod ang Brazil (8,195,637), Russia (3,448,203) at United Kingdom (3,164,051).
Ikaanim ang France (2,806,590) na sinusundan ng Turkey (2,346,285), Italy (2,303,263) Spain (2,137,220) at Germany (1,957,492). (AI/FC/MTVN)