Doktor na naturukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa US patay

Doktor na naturukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa US patay

MANILA — Isang doctor sa Florida ang namatay 16 araw matapos itong turukan ng unang dose ng Covid-19 vaccine na gawa ng Pfizer, ayon sa ilang online report.

Unang iniulat ng New York Times ang pagkamatay ni Gregory Michael, isang 56-anyos na obstetrician at gynecologist sa Miami Beach.

Binanggit ng Times sa ulat nito ang Facebook post ng asawa ng dotor na si Heidi Neckelmann, na nagsabing namatay si Michael sa brain hemorrhage.

Nagsasagawa na rin ang Pfizer Inc. at federal health officials ng imbestigasyon ukol sa pagkamatay ni Michael.

Batay sa paunang resulta ng imbestigasyon, walang koneksiyon ang pag-iniksiyon ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa pagkamatay nito.

Ayon sa pahayag ng Pfizer, nagkaroon ang doktor ng rare disorder na tinatawag na severe thrombocytopenia.

Samantala, sinabi naman ng Centers for Disease Control and Prevention na iimbestigahan nila ang pagkamatay ng doktor.

Ito ngayon ang pangkalahatang agam-agam ng mga netizens dahil na rin sa kontrobersyal na Dengvaxia ng Sanofi Pasteur na maraming napaulat na namatay na mga bata Pilipinas. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply