KC pangarap patayuan ang inang si Sharon ng beach house

KC pangarap patayuan ang inang si Sharon ng beach house

MANILA – Ibinahagi ng aktres at entrepreneur na si KC Concepcion na pangarap niyang patayuan ang inang si Sharon Cuneta ng beach house.

“Mom’s got great taste in homes and interiors. I dream of building her a ‘never neverland’ on the beach for her own enjoyment, maybe someday,” ayon sa post ni Concepcion sa kanyang Instagram account.

Noong nakaraang linggo, lubos ang kasiyahan ni Sharon nang makasama ang kanyang panganay sa pagdiriwang niya ng ika-55 kaarawan sa Amanpulo.

Ayon kay Sharon, bumalik si KC mula Palawan patungong Maynila para sumakay ng flight papuntang Amanpulo.

“She brought me our favorite strawberry shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!” wika ni Sharon.

Nagpasya si Sharon na magdiwang ng kaarawan sa Amanpulo para makalayo sa mga negatibong bagay at tao. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply