LPA namataan ng PAGASA sa katimugang bahagi ng Zamboanga City

LPA namataan ng PAGASA sa katimugang bahagi ng Zamboanga City

MANILA — Namataan ng PAGASA ngayong umaga ang isang Low Pressure Area (LPA) may 210 kilometro ang layo mula sa katimugang bahagi ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Sinabi naman ng weather bureau na makakaapekto ang tail-end of Frontal System (Shear line) sa Visayas habang makakaapekto naman ang Northeast Monsoon sa Luzon.

Kalat-kalat na pag-ulan, maulap na papawirin at thunderstorms ang mararanasan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Sorsogon, at Masbate dahil sa tail-end ng Frontal System at LPA.

Nagbabala rin ang PAGASA ng flash floods o landslides sa mga nasabing lugar bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, at natitirang bahagi ng Bicol Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan.

Magkakaroon naman ng bahagya hanggang sa makapal na kaulapan na may kasamang mahinang pag-ulan sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon dahil sa Northeast Monsoon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply