Philtram, suportado kagalingan ng commuters, drivers

Philtram, suportado kagalingan ng commuters, drivers

Ni Junex Doronio

BACOOR CITY, Cavite — Hangad ang kabutihan ng parehong drivers at commuters, nagpahayag ng suporta ang Philippine Transport Monitor (Philtram) sa isinagawang pulong ngayong Miyerkules ng mga mayor upang pag-usapan kung paano mapapagaan ang buhay ng mga daily commuters at matulungan ang mga driver ng pampublikong sasakyan sa lalawigan.

“Sa akin po ay dapat aralin ang mga detalye ng bawat hakbangin upang matulungan ang hanay ng mga drivers na maghanap buhay at kumita ng sapat para sa pagtataguyod ng pamilya,” ani Philtram lead convenor Mario “Aio” Bautista.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, tatalakayin ng Mayors’ League ang fare matrix sa PUB/PUJ na nasa jurisdiction ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“It is to the best of my knowledge that the current fare matrix was a response to the previous limited number of passengers allowed during the ECQ/GCQ,” pahayag ng gobernador sa kanyang Facebook post.

Kanyang pinansin na sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa lalawigan ng Cavite ay halos full capacity na ang mga operators araw-araw.

“Madami din tayong reports na natatanggap na beyond capacity pa nga at siksikan ang mga PUB/PUJ during rush hour, which is against the social distancing rules of the IATF,” puna ni Remulla.

Idinagdag niya na gagawa siya ng liham bukas, Huwebes, Enero 14, para sa mga kinauukulan upang maisaayos ang kasalukuyang fare matrix.

“It is the RIGHT of the commuter and the DUTY of the LTFRB to review the current pricing system in place,” diin ni Remulla.

Pinansin din ni Remulla ang taas ng pamasahe ng ilang tricycle.

“Ang pamasahe ngayon ay nasa P25 para sa unang 1.2 km. Bago mag-pandemya, ang pamasahe ay nasa P10-12 lamang pero hanggang 3 ang sakay. Ayon sa IATF, puede nang 2 kada-sakay kaya nararapat lamang na ibaba na sa parehas ang halaga. Sa aking palagay, sapat na ang P13-15 kada-pasahero,” pahayag ng gobernador. (AI/MTVN)

Leave a Reply