Sinovac mabibigyan ng EUA bago mag-Pebrero 20 — Galvez

Sinovac mabibigyan ng EUA bago mag-Pebrero 20 — Galvez

MANILA – Tiwala si vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na mabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ang Chinese COVID-19 vaccine na Sinovac bago mag-Pebrero 20.

“Iyong EUA po ng Sinovac, maa-approve po before February 20. Maganda ang arrangement natin kasi may darating kada buwan,” wika ni Galvez sa Laging Handa public briefing.

“50,000 doses of Sinovac sa February, tapos 950,000 sa March, tapos one million, two million, 3 million kada buwan,” dagdag pa niya.

Subalit hanggang ngayon ay hindi pa nag-a-apply ang Sinovac ng EUA sa Philippine Food and Drug Administration (FDA), ngunit sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na nakatakdang mag-apply ang Sinovac pati na ang Sinopharm ng EUA ngayong buwan.

“As far as we know they will be applying within the month,” wika ni Arriola.

Ayon kay Galvez, pinagsasama-sama lang ng Sinovac ng resulta ng late-stage trials ng CoronaVac vaccine sa Brazil at Turkey bago ito isumite sa FDA.

Idinagdag niya na nag-aantay na lang ang Sinovac ng approval para sa general public use at authority to export mula sa pamahalaan ng Tsina. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply