1 patay sa 425K shabu buy-bust, 10 arestado sa hiwalay na operasyon

1 patay sa 425K shabu buy-bust, 10 arestado sa hiwalay na operasyon

MANILA — Tinatayang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P425,000 ang nakumpiska sa isang buy-bust operation kung saan nasawi ang isang suspek makaraang makipagbarilan sa mga otoridad sa bayan ng San Rafael Bulacan.

Sa hiwalay na operasyon ay may 10 nadakip na drug personalities.

Sa report ni PNP Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang napatay na si Ronald Ramos ng Sitio Gulod Brgy, Pantubig San Rafael Bulacan.

Ganap na alas-10 ng gabi ng mangyari ang palitan ng putok ng baril matapos mamaril ang suspek na sanhi ng pagganti ng mga pulis at ikinamatay ng suspek.

Nakuha kay Ramos ang isang caliber .38 na baril at 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu sa naturang operasyon kung saan nakatakas diumano ang isang kasama nito at nahuli naman ang isang nagngangalang Noemie Esguerra alyas Noel Esguerra, residente ng Barangay Longos, Malabon City.

Mag aalas-11:19 na ng Enero 13,  2021 nang madakip si Esguerra ng pinagsanib na puwersa ng Malabon PNP Provincial Intelligence Unit at San Miguel pulis.

Nakuha sa suspek ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 50 gramo.

Nabatid na si alyas Noime at Noel ang syang itinuturong supplier ng illegal na droga sa bayan ng San Miguel at karatig bayan.

Samantala, arestado rin sa hiwalay na operasyon ang  sampung iba pa na kapwa sangkot sa paggamit at pagbebenta umano ng illegal na droga sa bayan ng Balagtas, Guiguinto, Hagonoy, Malolos, Pandi, San Miguel at Sta. Maria.

Nakuha mula sa kanila ang 27 plastic sachet ng shabu,isang digital weighing scale,drug paraphernalias at isang motorsiklo.

Detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165  na  Dangerous Drug Act of 2002. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply