1,912 bagong kaso ng COVID-19 naitala

1,912 bagong kaso ng COVID-19 naitala


MANILA — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,912 bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw, Huwebes, 14 January 2021.


Kaya naman, sumampa na sa 494,605 ang kabuuang bilang ng kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.
May nadagdag na 40 namatay sa virus kaya umakyat ang death toll sa 9,739, habang 746 naman ang nakaligtas sa COVID-19, na nagdala sa bilang ng recoveries sa 459,252. 

Sa ngayon, may 25,614 aktibong kaso pa ng COVID-19 sa bansa. 

Buong mundo

Sa buong mundo, pumalo na sa 92,799,635 ang bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan 66,322,284 rito ay gumaling habang 1,987,310 naman ang pumanaw.

Pagdating sa aktibong kaso, 24,490,041 pa ang mayroong COVID-19, 24,377,922 o 99.5 porsiyento sa kanila ay nasa mild condition habang 112,119 o 0.5 porsiyento ang kritikal o malala.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa talaan ng COVID-19 sa buong mundo na may 23,616,345 kasunod ang India (10,512,831), Brazil (8,257,459), Russia (3,471,053), at United Kingdom (3,211,576).

Pang-anim ang France (2,830,442), Turkey (2,355,839), Italy (2,319,036), Spain (2,176,089), at Germany (1,980,861). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply