Ni Mores Heramis
Dead on the spot ang dalawang lalaking kakalaya pa lamang sa kulungan matapos pagbabarilin ng mga riding in tandem habang sakay ng isang pampasaherong jeepney sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Nuque, 40 anyos, isang AWOL na pulis, at Felizardo Pablico, 49 anyos.
Ang dalawa ay pawang kalalaya pa lamang dahil sa mga kasong illegal possesion of firearms at robbery hold-up.
Sa imbetigasyon ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang pananambang sa mga biktima sa kanto ng A.Mendoza at Quezon Blvd. kung saan apat na lalaking nakasuot ng itim na damit at helmet na sakay ng dalawang motorsiklo ang sumulpot sa kanang bahagi ng jeep at pinagbabaril ang dalawang biktima sa ulo at katawan. (AI/MTVN)