Abalos suportado ng alkalde ng Marikina City

Abalos suportado ng alkalde ng Marikina City

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Nagpahayag ng buong pagsuporta si Marikina City Mayor Marcy Teodoro kay bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na ipinalit ni pangulong Duterte sa yumaong Danilo Lim.

Ayon kay Mayor Teodoro bilang isa sa mga Mayor sa Metro Manila nagpaabot siya ng maalab na pagbati kay Abalos, na dati ring mayor ng Mandaluyong City mayor, sa pagkaka-appoint nito bilang bagong chairman ng MMDA.

Paliwanag ng alkalde susuportahan nito si Abalos at nais nitong makatrabaho sa Metro Manila Council na siyang policy-making body ng MMDA.

Tinitiyak ni Mayor Teodoro na bilang Mayor ng Marikina City, ay makakaasa umano si Abalos na buong kooperasyon at suporta ang kanyang makukuha sa LGU ng Marikina sa lahat ng kanyang mga nakatakdang proyekto at programa sa MMDA para sa ikagaganda at ikauunlad ng Metro Manila. (AI/MTVN)

Leave a Reply