MANILA – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang COVID-19 vaccines na gawa ng Chinese pharmaceutical companies ay kasinggaling din ng mga gawa ng Estados Unidos at Europa.
Sa kanyang speech kagabi, pinawi rin ni Duterte ang pangamba ukol sa mga bakunang gawa ng China sa pagsasabing hindi hahayaan ng pamahalaan na iturok sa taumbayan ang bakunang hindi tiyak at ligtas.
“The bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any other bakuna na naimbento ng mga Amerikano o yung mga Europeans,” wika ni Duterte.
“Hindi nagkulang ang Chinese. Hindi sila nagkulang sa utak. Bright itong mga Instik and they would not venture kung hindi sapat, it is not safe, sure, and secure,” dagdag pa niya
Nagpahayag din ng buong tiwala si Duterte sa desisyon ni Galvez na bumili ng bakunang gawa sa China.
“Hindi ako magbili ng bakuna na hindi tama. Itong Sinopharm pati Sinovac nabakunahan na nila lahat halos…Kung ayaw ninyo, okay walang. Walang problema,” ani Duterte.
Ayon kay Duterte, walang ibang dapat sisihin kundi siya kapag napatunayan na hindi ligtas ang bakunang binili ng pamahalaan. (AI/FC/MTVN)