Daniel, Kathryn di nagmamadaling magpakasal

Daniel, Kathryn di nagmamadaling magpakasal

MANILA — Hindi nagmamadaling lumagay sa tahimik sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo kahit pa siyam na taon na silang magkarelasyon.

Natanong ang dalawa noong huling press conference ng “The House Arrest of Us” matapos ma-engage ang kanilang mga kaibigan na sina dating “Pinoy Big Brother” housemate Patrick Sugui at social media influencer Aeriel Garcia.

“Hindi namin puwedeng biglain ‘yung mga ganyang bagay. Sa amin ha? Siyempre iba-iba naman ang trip ng lahat,” paliwanag ni Daniel.

Aniya, mas maganda kung nakaplano ang lahat at nakalista ang kanilang mga gagawin upang hindi mawindang sa mga desisyon na gagawin nila.

Paliwanag pa ng 26-anyos na si Daniel, kung bigla silang ma-engage at magpakasal, baka lumitaw lang ang maraming problema sa hinaharap.

Para naman kay Kathryn, komportable sila na bago tumalon sa pagpapakasal ay maging handa muna sila

“Ayaw namin na masira ‘yung relationship just because hindi kami ready pareho,” wika ni Kathryn, na mag-25 na ngayong taon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply