EUA ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine aprub na ng FDA; Sinovac nag-apply na rin

EUA ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine aprub na ng FDA; Sinovac nag-apply na rin

MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech, ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

“After thorough review, the FDA is granting EUA to Pfizer-BioNTech COVID-19. The interim data from the ongoing Phase 3 trial shows the vaccine has an efficacy rate of 95% in the study population and at least 92% among all racial groups. The EUA means the benefits outweigh the known and potential risks,” wika ni Domingo.

“This is effective immediately,” dagdag pa niya.

Ayon kay Domingo, maaaring gamitin ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech sa mga taong may edad 16-anyos pataas.

Ang produkto ng Pfizer-BioNTech ay kauna-unahang COVID-19 vaccine na maaaring gamitin sa Pilipinas.

Pagdating sa side effects, sinabi ni Domingo na ang side effects COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ay katulad lang ng karaniwang reaksyon sa bakuna.

Inihayag din ni Domingo na nagsumite na ang Chinese firm Sinovac ng aplikasyon kahapon para sa EUA ng kanilang bakuna kontra COVID-19. (FC/MTVN)

Leave a Reply