Maulap na panahon sa Southern Luzon, Visayas mararanasan ngayon

Maulap na panahon sa Southern Luzon, Visayas mararanasan ngayon

MANILA – Makakaapekto ang tail-end of frontal system sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang mararamdaman ang northeast monsoon sa kabuuan ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Bicol Region, MIMAROPA, Central at Western Visayas, Quezon, at Northern Samar dahil sa tail-end ng frontal system.

Maaaring makaranas ng flash floods o landslides sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Makararanas ng maulap na papawirin at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora dahil sa Northeast Monsoon.

Ang natitirang bahagi ng Mindanao at Visayas ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Puwedeng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at kabuuan ng Luzon dahil sa northeast monsoon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply