P100M Covid-19 vaccine para sa mga taga-San Jose, Bulacan inilaan

P100M Covid-19 vaccine para sa mga taga-San Jose, Bulacan inilaan

City Mayor Arthur Robes

MANILA — Maglalaan diumano ng P100 milyong piso ang San Jose del Monte City, Bulacan para sa anti-Covid-19 vaccines para sa mahigit sa isang milyong populasyon ng syudad.

Sa katatapos na virtual briefing na isinagawa ng Philippine Information Agency sa gitnang Luzon, sinabi ni City Mayor Arthur Robes na target ng San Jose na unang makatatanggap ng vaccines ang mga nasa edad 18 anyos pataas.

Kasama na rin dito ang mga senior citizen, kapulisan, kawani ng lokal na pamahalaan, mga frontliners, kabilang na ang LLN, RHU, Barangay kagawad at iba pa.

Nabatid na ang naturang pondo ay magmumula sa inaprubahang budget ng 2021 na umaabot sa P2.4 billion.

Tiniyak ng punong lungsod na lahat ay mabibigyan ng libreng bakuna laban sa Covid-19 kung saan sya mismo at ang kanyang asawa na si Lone District Congresswoman Rida Robes ang unang magpapaturok ng bakuna upang maging halimbawa sa lahat na hindi dapat katakutan ang vaccines.

Samantala sa tala ng City Health Office ng San Jose del Monte City, mula sa higit isang milyon na populasyon meron lamang 36 ang aktibo pang kaso ng Covid-19 sa lunsod.

Ito ay dahil diumano sa pinaigting na kampanya kontra covid virus.

Gayunman nakahanda ang syudad laban sa Covid dahil mula sa 40-bed na quarantine facilities, nagdagdag pa sila ng sindami na capacity na gusali. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply