Pangulong Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang UK COVID-19 strain sa orihinal

Pangulong Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang UK COVID-19 strain sa orihinal

MANILA – Umaaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na unang napaulat sa United Kingdom (UK) ay hindi mas mapanganib kaysa sa orihinal.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant, na kilala bilang UK variant, sa Pilipinas nang makita ito sa isang lalake na galing United Arab Emirates (UAE).

“Nag-mutate, may bagong monster na naman. And I prayed to God really na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” wika ni Duterte.

Sinasabing mas nakahahawa ang bagong strain ng COVID-19 ngunit wala pang ebidensiya na ito’y mapanganib kaysa sa orihinal.

Inutusan na ni Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magsagawa ng contact tracing ng mga taong nakasalamuha ng biyahero at kasama nito upang mapigil ang pagkalat ng bagong strain sa bansa.

“So importante ito kung sino ‘yung mga taong kinausap nila pagdating nila. It’s very important kung sinu-sino ‘yung mga tao. Kaya ilalabas itong tracing,” wika ni Duterte. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply