Pasig City Mayor Vico Sotto
MANILA — Inihayag ngayong Huwebes, 14 January 2021, ng pamunuan ng Pasig City na makakakuha ng diskwento ang mga residente nito kung magbabayad ng kanilang Real Property Tax o RPT sa nakatakdang petsa para sa unang quarter ngayong taon.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, layunin nito na himukin ang mga residente ng Pasig City na magbayad ng kanilang Tax Responsibility sa petsa o bago mag-deadline.
Nilinaw naman ng alkalde na ang nasabing diskwento ay para lang sa mga nagbabayad ng buwis ng maayos.
Paliwanag ni Mayor Sotto kung makakapagbayad ng January 4 hanggang January 31 ngayong taon meron 10 porsyento diskwento sa mga nagbabayad ng buwis at mula February 1 hanggang March 31 naman ay mayroong discount naman na 5 porsyento sa mga tax payers.
Dagdag pa ng alkalde na maaari magbayad ng buwis ang mga residente ng Lungsod sa Pasig City Hall, San Antonio Annex, Ugong Annex, at Manggahan Annex mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. (AI/MTVN)