Pilipinas malapit nang makasiguro ng 10 milyong dose ng COVID-19 vaccine ng Moderna

Pilipinas malapit nang makasiguro ng 10 milyong dose ng COVID-19 vaccine ng Moderna

MANILA – Nasa pinal na estado na ng negosasyon ang Pilipinas para sa pagbili ng COVID-19 vaccine na gawa ng Moderna, ayon sa ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Sa isang pahayag na naka-post sa Facebook page ng Philippine Embassy sa Washington, sinabi ni Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez na makakatiyak ang Pilipinas ng “minimum” na 10 milyong dose ng bakuna mula sa kompanya.

Ihahatid ito sa kalagitnaan ng 2021, ayon pa kay Romualdez.

Batay sa kasunduan, may opsiyon pa ang Pilipinas na bumili ng dagdag na 10 milyong dose.

Nagpasalamat naman si Romualdez kay Enrique Razon ng International Container Terminal Services Inc.’s (ICTSI) sa pag-alok nito sa kanyang barko nang libre para kunin ang bakuna mula Spain at ibiyahe sa Pilipinas

“I welcome the pledge of the private sector led by ICTSI… in shipping and distributing the vaccines from the manufacturing facility in Spain to the Philippines at no cost to the Philippine government,” wika ni Romualdez.

Ang bakuna ng Moderna ay may efficacy rate na 94 porsiyento laban sa COVID-19. (FC/MTVN)

Leave a Reply