Makikita sa larawan ang pamunuan ng Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa press conference na ginanap patungkol sa pagmomonitor ng siyudad sa bagong strain ng Covid-19.
Ito’y matapos matunton ang kauna-unahang Pinoy na nag-positive sa UK strain ng Covid na galing Dubai noong January 7, 2021 at nakatira sa Barangay Kamuning.
Dumalo rin sa komperensiya sina Joseph Juico, chairman QC Task Force Covid-19; Dr. Rolly Cruz, pinuno ng Epidemiology & Surveilance Unit.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng QC na kasalukuyan nang naka-quarantine ang lalaki pati na ang kanyang buong pamilya. (Art Son/AI/MTVN)