Sandiganbayan ibinasura ang kasong graft vs Honasan ukol sa ‘pork’ scam

Sandiganbayan ibinasura ang kasong graft vs Honasan ukol sa ‘pork’ scam

MANILA – Ibinasura na ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating senador at ngayo’y Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pitong iba pa kaugnay ng P10-billion pork barrel scam.

Sa 52-pahinang desisyon na inilabas noong Disyembre 2020, sinabi ng anti-graft court na nabigo ang mga ebidensiya ng prosecution na patunayan ang mga elemento ng krimen na isinampa laban kay Honasan.

“Accordingly, the cases against the accused are hereby dismissed,” nakasaad sa desisyon.

Inakusahan si Honasan ng pagbibigay ng P29.1 milyon galing sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), na kilala bilang pork barrel, sa isang non-government organization nang walang ginagawang bidding.

Kasunod ng desisyon ng Sandiganbayan, inalis na ang hold departure order na inisyu laban kay Honasan at iba pang mga akusado.

Iniutos na rin ng hukuman ang pag-release ng inilagak na piyansa ng mga akusado kung mayroon man. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply