Senior citizens ng Pasig dumagsa upang tumanggap ng cash assistance

Senior citizens ng Pasig dumagsa upang tumanggap ng cash assistance

MANILA — Dumagsa ang mga Senior citizen kaya excuse muna ang ilan sa kanila makaraang magtungo ang mga ito sa Barangay Pinagbuhatan lungsod ng Pasig. Isa sa mga Quarantine Guidelines ang pagbabawal sa kanila na lumabas ng kanilang bahay dahil sa banta ng COVID-19.

Ngunit kahapon, mistulang kinalimmutan muna ito dahil ipinamahagi ang kanilang cash assistance mula sa pamahalaang lungsod ng Pasig na hindi nakasama sa unang bugso nito dahil wala silang cash card o ATM card.

Ayon kay Noli Bacsal ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA ng Pasig, na agad naman nilang pinapauwi ang mga Senior Citizen matapos makuha ang kanilang pera.

Ikinatuwa naman ito ng mga Senior Citizen dahil kahit papano na sama na sila sa cash assistance ng Pasig City kung saan bahagi ito ng Pamaskong handong ng lungsod.

Ayon sa kanila akala nila hindi na sila mabibigyan dahil lumipas na ang Pasko at Bagong taon hindi pa rin sila nakakatagap ng nasabing cash grant at wala rin sila mga ATM card na para contactless distribution. (RAMBO LABAY/AI/MTVN)

Leave a Reply