2k+ COVID-19 cases naitala ng DOH

2k+ COVID-19 cases naitala ng DOH

MANILA – Panibagong 2,048 kaso ang nadagdag sa talaan ng COVID-19 cases sa bansa ngayong araw, Biyernes, 15 January 2021 ayon sa Department of Health (DOH).


Sa panibagong bilang na ito, umakyat na sa 496,646 ang kabuuang numero ng kaso ng nasabing virus sa bansa.

Mayroon namang 551 katao ang gumaling mula sa virus kaya umakyat ang bilang ng recoveries sa 459,737.

Ang death toll ay nasa 9,876 na sa pagpanaw ng 137 katao dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 27,033 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaso sa mundo


Samantala, umabot na sa 93,554,410 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 66,855,519 na ang gumaling habang 2,002,841 naman ang pumanaw.

Nasa 24,696,050 naman ang bilang ng aktibong kaso, kung saan 99.5 porsiyento o 24,584,261 ang nasa mild condition habang 111,789 o 0.5 porsiyento ang kritikal o malala.

Nangunguna pa rin an Estados Unidos na may 23,848,410 kaso, kasunod ang India (10,528,508), Brazil (8,326,115), Russia (3,495,816), at United Kingdom (3,260,258).

Pang-anim ang France (2,851,670), na sinusundan ng Turkey (2,364,801), Italy (2,336,279), Spain (2,211,967) at Germany (2,004,011) (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply