3 salvage victims natagpuang naka-posas pa sa by-pass ng Bulacan

3 salvage victims natagpuang naka-posas pa sa by-pass ng Bulacan

BULACAN — Patay na nang matagpuan ng ilang mga residente sa bypass ng Barangay Malamig sa bayan ng Bustos ang dalawang babae at isang lalaki na kapwa nasa hustong gulang na mga naka posas.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Maj. Bryan Magundadayao, ganap na alas-7 ng umaga ng makita ang duguang katawan ng mga biktima na wala nang buhay.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis magkakapatong sa gilid ng kalsada ang tatlo na kapwa may tama ng bala ng baril sa katawan.

Walang pagkakakilanlan ang mga biktima,maliban sa suot na facemask ng isang babae na may nakatatak na lungsod ng Maynila, isang lalaki na nakasuot ng kulay puti na pantalon, habang nakasuot naman ng stripe na green ang isa pang babae.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino at ano ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima.(Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply